^

Bansa

DOH: Leptospirosis, sumisirit

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng leptospirosis sa bansa, dulot ng mga pagbahang hatid ng habagat nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Dr. Marc Steven Capungcol, hepe ng DOH Health Emergency Management Bureau, mula Agosto 2-29 ay nakapagtala ang ahensiya ng 77% pagtaas ng leptospirosis cases mula sa nakalipas na dalawang linggo.

Mula Enero hanggang Agosto 29 naman, umabot na sa 6,253 ang leptospirosis cases kabilang ang 378 deaths.

Sa Metro Manila, nasa 1,961 ang kaso ng leptospirosis.

Ayon kay Capungcol, ang Maynila at Quezon City ang may pinakamataas na cumulative number ng mga kaso, na sinundan ng Caloocan at Taguig.

Una na ring pinayuhan ng DOH ang publiko na umiwas sa paglusong sa baha na maaaring kontaminado ng ihi ng daga, na naghahatid ng leptospirosis.

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with