^

Metro

‘Jumper’ namamayagpag sa Tondo - Meralco ‘

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Jumper’ namamayagpag sa Tondo - Meralco ‘
Ito ang lumitaw sa consultative meeting ng Meralco kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kung saan naitala na may 1,908 ang total illegal connections na nakita sa Meralco transformers sa lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Namamayagpag umano ang Tondo, Maynila sa mga ‘jumper’ o iligal na koneksiyon ng mga kuryente.

Ito ang lumitaw sa  consultative meeting ng Meralco kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kung saan  naitala na may 1,908 ang  total illegal connections na nakita  sa Meralco transformers sa lungsod.

Nabatid na naitala sa Tondo ang 715  illegal  connections na sinundan ng Sta. Cruz, Maynila na may 250, Sampaloc, 293 at Sta. Ana, 159. Ang  apat na lugar ang umano’y may pinakamalaki kontribusyon sa ‘system loss’.

Bunsod nito, inatasan ni Domagoso ang Manila Police District (MPD) na tiyaking ligtas ang mga tauhan ng Meralco habang nagsasagawa ng anti-pilferage operations.

Nais din ni Domagoso na matukoy ang ulat na ilang mga barangay officials ang may illegal connections sa kanilang bahay.

Samantala, pinatatanggal na rin ng alkalde sa Meralco ang mahigit 12,000 sira at matutumba ng poste sa lungsod para na rin sa kaligtasan ng publiko.

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with