^

PM Sports

Alas pinadapa ng Indonesia

Elech Dawa - Pang-masa

CANDON CITY, Philippines — Na­lusaw ang pangarap ng Alas Pilipinas na masi­lo ang titulo sa Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) men’s division ma­tapos nilang tumukod sa Indonesia, 20-25, 23-25, 25-27, kahapon dito sa Candon Arena, Ilocos Sur. 

Kahit nawalis ay nakitaan ang mga Pinoy spi­kers ng determinasyon at hindi sila basta nagpadaig sa 2025 SEA V. League second leg champion na hinawakan ang No. 1 seed sa Pool B na may 2-0 karta.

Umusad sa semifinals ang Indonesia kasama ang Cambodia, 1-1.

Dalawang beses na lumamang ang Alas Pilipinas sa first set, habang muntik naman silang manalo sa second frame nang tapya­san nila sa 23-24 ang bentahe ng Indonesia.

Mas naging maba­ngis ang mga Pinoy spikers sa third set dahil may tsansa sanang humaba ang ka­nilang hiniga nang hawa­kan ang six-point lead, 15-9, sa event na katuwang ang Candon City sa pa­mu­muno ni Mayor Eric Singson at suportado ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.

Pero naubusan ng lakas ang Alas Pilipinas kaya na­lasap nila ang pangalawang sunod na kabiguan at malagay sila sa battle for fifth place laban sa Myanmar.

Kumana si Joshua Magalaman ng 13 points.

ALAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with