Sara trial target tapusin bago Pasko
MANILA, Philippines — Umaasa ang prosecution panel na matatapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte bago sumapit ang Pasko.
Ayon kay House lead prosecutor Atty. Gerville Luistro, kinatawan ng Batangas 2nd District, malaki ang posibilidad na hindi na umabot ng Kapaskuhan ang paglilitis ng Senate impeachment court matapos bawasan ng anim na testigo ang kanilang hanay.
Gayunman, ayon kay 3rd District Rep. Lorenz Defensor, posibleng umabot pa ng Valentine’s Day (Pebrero 14, 2026) ang trial kung patuloy na hahabaan ng defense panel ni VP Sara ang proseso sa pamamagitan ng teknikalidad gaya ng pagtutok sa mga mali sa tuldok, kuwit, petsa, at mga typographical error.
Kasabay nito, sinabi ni Luistro na “tama na ang timpla” ng Article IV matapos maiprisinta ang matitibay na ebidensya hinggil sa umano’y assassination threat ni VP Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.
Binanggit ni Luistro na hindi na nila iprinisinta ang testimonya nina Atty. Zuleika Lopez, dating Chief of Staff ni VP Sara, at Capt. Belinda Bello ng House Legislative Security Bureau dahil sapat na ang ebidensyang naisaad ng NBI Senior Agent John Mark Calilung at NBI-BARMM Director Atty. Jeremy Lotoc. Ang dalawa ang nagsagawa ng digital forensic sa video recordings at imbestigasyon sa umano’y assassination plot.
- Latest


















