^

Metro

Klase sa Malabon National High School sinuspinde

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa banta ng pamamaril

MANILA, Philippines — Sinuspinde kahapon ang klase sa Malabon National High School (MNHS) matapos makatanggap ng report na mayroong banta ng pamamaril sa bawat baitang.

Bilang pag-iingat at matiyak ang kaligtasan ng lahat, pinayagan nang umuwi ang mga estud­yante habang nananatili ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa loob at paligid ng paaralan.

Ayon sa pinapakalat na screenshot online, magkakaroon ng pamamaril sa paaralan sa bandang alas-2:30 ng hapon kahapon kung saan target ang mga mag-aaral sa Grade 7, 8, 9, 10, 11, at 12.

Wala pang opisyal na pahayag ang (MNHS) patungkol dito, ngunit agarang umaksyon ang Pamunuang Brgy. Hulong Duhat upang kumpirmahin ang banta ng pamamaril.

Sa kasalukuyan, wala pang kumpirmas­yon kung tunay ang naturang banta. Hinihikayat naman ang publiko na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang detalye ukol dito.

Tinitiyak din ng mga kinauukulan na ang sinumang mapatutunayang responsable sa pagpapakalat ng fakenews ay pananagutin sa batas.

MALABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with