Impeachment complaint walang ebidensiya - VP Sara

MANILA, Philippines — Tinawag ni Vice President Sara Duterte na pag-aaksaya ng “public resources” ang nangyayaring impeachment trial dahil hindi naman ito sinusuportahan ng ebidensiya.
Ayon kay Duterte, nasaksihan sa ika-4 na araw ng trial ang matagal na niyang sinasabi na walang ebidensiya ang reklamo laban sa kanya.
“On Day 4 of the impeachment trial, the country witnessed what I have been saying all along: the complaint is not supported by evidence,” ani Duterte.’ Tinawag din ni Duterte na “fiction” ang sinasabing banta at “assassin” at hindi maaring maging katotohanan ang mga kathang isip.
Sinabi rin niya na ang isang paglilitis sa impeachment ay dapat na nakabatay sa kapani-paniwalang ebidensya at hindi haka-haka.
Aniya, ang mga ganitong aksyon ay sumisira sa integridad ng mga pampublikong institusyon, sumisira sa tiwala ng publiko at sumisira sa paghahanap ng katotohanan.
- Latest


















