Kyline, nadale rin ng scammer!

Nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Kyline Alcantara at Bianca Umali mahigit isang dekada na ang nakalilipas.
Nilinaw ni Kyline na walang kinalaman si Miguel Tanfelix sa kanilang alitan.
Matatandaang nagkatrabaho ang tatlo sa seryeng Kambal Karibal noon. “Actually, no. No po. Kaya nga po naging close kami ulit. Kasi siyempre may mga misunderstanding, miscommunication. Kaya po kami hindi naging okay ni Bianca at that time. Pero nakapag-usap na po kami. Nothing to do with Miguel. So noong nakapag-usap na po kami ni Bianca. Noong time na ‘yon akala namin dahil kay Miguel. Pero noong nakapag-usap na po ulit kami, ah wala naman pala. Hindi naman pala dahil kay Miguel,” paglilinaw sa amin ni Kyline sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mayroong leksyon na natutunan si Kyline dahil sa nangyaring tampuhan nila ni Bianca. Mahalaga para sa Kapuso actress na kilalanin sa show business ang mga totoong mga kaibigan. “Ang leksyon ay choose your friends. I’m so happy na dumirekta ako mismo kay Bianca because we have deep love for each other. I’m so happy na napakinggan namin ang isa’t isa. Now we are so close. We are so okay,” giit niya.
Naging mas malapit na umano sa isa’t isa sina Kyline at Bianca dahil sa naging pagsubok sa kanilang pagkakaibigan. Maging ang kasintahan ni Bianca ngayon na si Ruru Madrid ay naka-bonding na rin ni Kyline. “Napaglutuan niya na ako ng specialty niya na sinigang. Nakapunta na ako sa bahay niya. Bonding with Ruru, ganyan. So sobrang okay na po,” kwento ng dalaga.
Samantala, naging biktima si Kyline ng isang online scam kamakailan. “Meron pong e-mail and text message na may link po. Ang nakalagay po do’n sa text message ay parang may problema daw po sa aking bangko, so click this link para maayos. So, I clicked it, then parang napunta po sa ibang website. And then inalis ko po siya agad. Then when I checked my bank app, biglang nabawasan ‘yung pera ko. ‘Yon na po pala ‘yon. Nabawasan ang aking pera,” pagdedetalye ng Kapuso actress.
Hindi man sinabi ang eksaktong halaga ay malaki raw ang nawala mula sa bank account ng dalaga. “Malaki po, under (100,000), pang-kuryente ko po ‘yon eh. Pinagpuyatan, pinag-ipunan, pinagpawisan.
“Sobrang dali lang po nagawa (ang scam), sobrang delikado. Meron pang sinasabi nila na just be careful if you want to connect to the public WiFi. Tapos bubuksan mo ‘yung bank app mo, kasi baka bigla nilang pasukin ‘yon. Sobrang daming ways na po (mag-scam). Kasi I panicked also, ‘Jusko! Baka maaresto ako, meron palang problema sa bangko ko. Baka kung anong mangyari.’ Then ‘yon na po,” dagdag pa niya.
Pinaghuhusayan umano ni Kyline ang lahat ng mga trabahong kanyang ginagawa. Ayaw na raw kasing balikan ng aktres ang naging estado sa buhay noong kanyang kabataan. “Palaging sinasabi ko sa sarili ko is hindi na ako babalik do’n sa kung nasaan man ako dati. Hindi ko po hahayaan na maghirap ulit ako. Maghirap ulit ang aking pamilya. Magutom ulit ako, magutom ulit ang aking pamilya. Kaya po until now, I’m working very hard and for so many years pa po for sure,” makahulugang pahayag ng dating child star.
- Latest






















