^

Metro

Babaeng angkas na-hit-and-run ng SUV ng solon?’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Babaeng angkas na-hit-and-run ng SUV ng solon?’
Kita ang wasak na unahang bahagi ng SUV na naka-hit-and-run sa isang babaeng angkas sa Mandaluyong City habang nakatakip ang plaka nito sa unahan at likuran.
DZRH

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang babaeng backride habang sugatan ang rider ng motorsiklo nang salpukin sila ng isang sport utility vehicle (SUV) sa tapat ng La Salle Greenhills, sa bahagi ng Ortigas Avenue, Mandaluyong City, malapit sa boundary ng San Juan City, Biyernes ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-4:00 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar, kung saan tumilapon ang magka-angkas na babae at lalaki.

Agad naaresto ng mga tauhan ng San Juan City Police ang tumatakas na driver habang pumapasok ang sasakyang niyang land cruiser na kulay puti, sa compound ng Greenhills Shopping Center.

Nakasuot naman umano ang mga biktima ng half-face helmet.

Dakong alas-7:00 ng umaga nang tuluyang maalis ang bangkay ng nakadapang babae sa kalsada at ang nawasak na motorsiklo.

Nai-turn over na ang suspek sa Mandaluyong City Police Station na may hurisdiksyon sa lugar ng pinangyarihan para sa pagsasampa ng mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide at reckless imprudence resulting in physical injuries at da­maged to property.

Samantala, iniimbestigahan na rin ng Mandaluyong Police ang kaugna­yan ng suspek sa House of Represen­tatives dahil ang mga sticker na nakadikit sa harapan at likod ng Toyota Land Cruiser na sangkot sa hit-and-run ay may logo ng House of Representatives.

Hindi pa nagbibigay ng ulat ang pulisya tiyak kung isang kongresista ang may-ari ng sasakyan o ang suspek.

Maari pang madagdagan ang kaso ng suspek dahil sinadyang tinakpan ang plaka at conduction sticker ng kanyang sasakyan, na makikita sa mga video footage, pati ang harapang bahagi ng sasakyan na nawasak.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with