Lamina isasalang ng Galeries
MANILA, Philippines — Puntirya ng Farm Fresh, Galeries Tower at Cho?co Mucho ang unang panalo, habang nakatutok sa ikalawang sunod na ratsada ang ZUS Coffee sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour.
Maghaharap ang Foxies at Highrisers ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang pagtutuos ng Flying Titans at Thunderbelles sa alas-6:30 ng gabi sa Batangas City Sports Coliseum.
Ipaparada ng Galeries Tower si 2026 PVL Rookie Draft No. 1 overall pick Lams Lamina ng National University Lady Bulldogs.
Makakatuwang ni Lamina sina veterans Aiza Maizo-Pontillas, Jean Asis, Roselle Baliton, Erika Deloria, setter Julia Coronel at rookie Ann Asis.
Itatapat naman ng Farm Fresh sina rookies Jonna Perdido at Ella Raagas kasama sina Trisha Tubu, Ces Molina, Mylene Paat, Ara Galang, Riri Meneses at Royse Tubino.
Samantala, lalagukin ng ZUS Coffee ang ikalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa Choco Mucho.
Nagmula ang Thunderbelles sa 25-11, 25-23, 26-28, 25-17 paggupo sa Akari Chargers sa pagbubukas ng torneo sa Ilagan, Isabela noong Huwebes.
Kagaya ng iba pang miyembro ng Alas Pilipinas ay hindi rin maglalaro sina Eya Laure at Dawn Catindig para sa Flying Titans.
Kasama sina Laure at Catindig sa training ng Nationals.
- Latest

















