Campaign donors nina Escudero, Marcoleta, ipinatatawag ng Comelec
MANILA, Philippines — Ipinatatawag na ng Commission on Elections (Comelec) ang campaign contributors nina Senators Francis “Chiz” Escudero at Rodante Marcoleta.
Kinumpirma ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na inisyuhan na nila ng subpoena ang campaign contributors ng mga naturang senador upang makapagbigay ng kanilang panig sa kinakaharap na isyu.
Matatandaang inamin ni Escudero na nagbigay ng P30-milyong donasyon para sa kampanya ang isang government contractor habang hindi naman idineklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang kanyang campaign donors para sa May 2025 elections.
Anang poll chief, ang contributors na mabibigong magdeklara ng kanilang donasyon ay maaaring panagutin sa ilalim ng Omnibus Election Code.
- Latest






















