Hiyasmin (254)
“Anong wala sa sarili, Siony? Nababaliw?” tanong ko.
“Hindi naman exactly ganun—parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Lakad nang lakad. Pabalik-balik!”
“Baka naman mayroon lang siyang iniisip ng araw na iyon. Kasi ang alam ko, engineer siya at may inaaplayang malaking kompanya ng langis. Nasabi niya sa akin yun minsan.’’
“Kung nag-iisip siya dahil sa kanyang trabaho, bakit pati sa disoras ng gabi?”
“Nakita mong palakad-lakad sa gabi si Rashid?’’
“Oo Lira. Hindi ako nagsisinungaling.”
“Anong ginagawa niya?”
“Paglabas niya ng gate, tatayo siya sa gitna ng kalsada at titingala sa langit. Bubulong. Pagkatapos ay maglalakad. Susundan ko ng tingin. Patungo siya sa direksiyon ng plasa. Di ba alam mo ang plasa na malapit sa ating tirahan?”
Tumango ako. Hindi ko malilimutan ang plasa dahil madalas ako roon kapag Biyernes. Dun ako naglalakad bilang exercise. Kapag Biyernes ay maluwag ang schedule ko.
Hinahayaan ako ng aking mga amo na maglakad-lakad sa paligid. Mayroong mga upuan doon na konkreto.
“Doon sa park nagpupunta si Rashid, Lira. Para ako makasiguro, sinundan ko siya. Kunwari ay magtatapon ako ng basura pero yun ay dahilan ko lamang—gusto kong makita kung saan nagpupunta si Rashid sa dis-oras ng gabi.
“At alam mo ang natuklasan ko, Lira?”
“Ano?”
“Nakaupo siya sa isa mga konkretong bench at nakatingala sa langit.”
“Saang bench siya nakaupo, Siony?”
“Sa dakong loob ng plasa —malapit sa mga punongkahoy.”
Kinilabutan ako. Napa-diyos ko!
“Bakit Lira? Bakit napa-diyos ko ka?”
“Dun ako laging nakaupo kapag namamahinga sa plasa tuwing Biyernes.”
(Itutuloy)
- Latest