^

Bansa

25 kongresista humabol sa pirma vs VP Sara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
25 kongresista humabol sa pirma vs VP Sara
The House of Representatives' last session under the 19th Congress following its majority vote to impeach Vice President Sara Duterte on Wednesday, Feb. 5, 2025.
House of Reps / Released

MANILA, Philippines — Aabot sa 25 kongresista ang nagsumite ng kanilang verification forms para maging “complainants” ng reklamong impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte.

Sinabi  ni  House Secretary General Reginald Velasco, na sakaling  papayagan ng Senate Impeachment Court na maidagdag ang 25, aakyat sa 240 o mahigit 78% ng kabuuang 306 miyembro ng Kamara ang pabor na ma-impeach si Duterte.

Paliwanag ni Velasco na ang 25 na kongresista ay hindi “physically” nakapirma at nakapanumpa sa impeachment complaint dahil sila ay nasa abroad o nasa kanilang mga distrito.

Subalit nagpadala ang mga ito ng verifications sa Kamara para isa-pormal ang kanilang pagsuporta sa impeachment process laban sa bise presidente.

Matatandaan na sa orihinal na Articles of Impeachment na ini-akyat sa Senado, 215 ang mga kongresista na pumirma at nagsilibing endorsers.

Sinabi ni Velasco na ang Senado na ang bahala kung tatanggapin ang mga dagdag na complainant.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with