BFP, naka-red alert na hanggang Enero 2, 2024
MANILA, Philippines — Kasunod na rin nang nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon ay naka-red alert na ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa hanggang sa Enero 2, 2025.
Ayon kay BFP-Public Information Service chief Annalee Atienza, nangangahulugan itong naka-full alert ang buong puwersa ng BFP at ang lahat ay nakaantabay sa anumang emergency na maaaring maganap.
“Code Red po meaning red alert status po ang buong pwersa ng BFP. Wala po munang naka-leave at lahat po ay naka-antabay sa kung ano man pong responde ang kailangan natin,” paliwanag pa ni Atienza, sa programa sa telebisyon.
Kaugnay nito, iniulat din ni Atienza na ngayong buwan ay nakapagtala na sila ng 800 insidente ng sunog.
Mas mababa pa rin naman aniya ito sa 1,204 fire incidents na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.
Karamihan rin aniya sa mga sunog ay naganap sa residential areas.
Nanawagan si Atienza sa komunidad, partikular na sa residential areas, na maging maingat at huwag nang gumamit ng paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon, upang makaiwas sa aksidente, gaya ng sunog.
- Latest