VP Sara, handang harapin 3 impeachment
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na handa siyang harapin ang kinakaharap na tatlong impeachment complaints sa Kongreso.
Sa isang media interview, nanindigan rin ang bise presidente na wala siyang nilabag na anumang batas.“Well, I am confident that I did not break any law. I did not do anything illegal… Kapag nandiyan na ang kaso, haharapin pa rin namin,” aniya sa isang panayam.
Siniguro rin naman niya na naririyan ang kanyang mga abogado upang idepensa siya laban sa mga reklamong kinakaharap.
Una na ring tiniyak ni VP Sara na ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay isa sa mga tatayo niyang abogado.
Matatandaang tatlong impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
- Latest