^

PSN Showbiz

Sino ang nangunguna sa takilya?

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Umulan kahapon sa pagsisimula ng 50th MMFF pero hindi naman napigilan ang mga tao sa pagpanood ng mga pelikula! Sa post ni MJ Felipe, pila-pila ang mga tao sa sinehan at siyempre sa report nito sa TV, sinasabing malakas ang pelikula ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is…

Ang direktor naman na si Crisanto Aquino ay panay ang post ng sold out screenings ng My Future You.

Sino ba talaga ang nangunguna sa takilya? Siyempre, expected naman dun ‘yun sa kung sino ang may maraming sinehan, ‘di ba?

Carlo, mina-manifest ng mga kaibigan

Manifesting ang “kaibigan” ni Carlo Guevara ng dyowa na hindi lalaki. So ang tanong, sila ba? Or manifesting lang? Ang comment ng matatabil ang dila, hindi naman yata ito bago kay Carlo Guevara, ‘di ba?

Teka, wala bang ibang partner si Carlo ngayon? Ano na nga bang pinagkakaabalahan niya now na wala siya sa showbiz.

Latest is, natanggal na yata siya sa ad na ikinabubuhay?

Sofronio, magiging Kapuso pagbalik ng Pinas?!

Pabalik na raw si The Voice Season 26 Grand Winner Sofronio Vasquez by Jan. 5 sa ‘Pinas. Saan kaya siya makikita una? Sa It’s Showtime ba kung saan siya nanggaling o sa AOS kung saan kinontak daw siya ni PPL na kasama sa produksyon nito. Nasa GMA 7 ang franchise ng The Voice ngayon kaya baka um-appear din doon si Sofronio. Abangan natin ito!

Juday at Piolo, magkikita sa ‘parangal’

Bukas na ang Gabi Ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival.

Ang tanong ng ilang fans – never nagsama sa alinmang promo o event ng MMFF sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Wala si Piolo sa Media Con at Fans Day pati nga sa Parade Of Stars. Kaya sa awards night ay magkita na kaya ang dalawa – at malay mo, manalo pa ng award? Judy Ann Santos for Espantaho at Piolo Pascual for The Kingdom?

Bukas, mag-fearless forecast tayo.

Sinu-sino ang mga bet ninyo?

Nakakataquote:

“We are proud of all the 10 entries in the 50th edition of the MMFF because they truly showcase exceptional quality and talents. Because of this, we are optimistic that moviegoers will flock to the cinemas to support all the entries and bring back the Philippine movie industry to its old glory.”

–Atty. Don Artes, MMDA/ MMFF Chairman

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with