^

PSN Palaro

UP may pakay sa UE

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
UP may pakay sa UE
UP's Terrence Fortea
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Puntirya nina Francis Lopez at Terrence Fortea na duplikahin ang panalo ng University of the Philippines sa pagharap nila sa tigasin din na University of the East sa UAAP  Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, ngayong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng Fighting Maroons at Red Warriors sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng labanan sa pagitan ng Adamson University at A­teneo de Manila University sa alas-3:30 ng hapon.

Pumutok sa opensa sina Lopez at Fortea sa kanilang huling laro para akbayan ang last year’s runner-up Fighting Maroons kontra University of Sto. Tomas, 83-73 noong Oktubre 13.

Kumana ng game-high 20 points si Lopez habang si Fortea na nag-init sa se­cond half ay tumikada ng 16 markers sapat upang ilista ang 7-1 karta ng UP at manatiling nakakapit sa No. 2 spot ng team standings.

Nasa solo third place ang Red Warriors na may 5-3 karta habang mag-isa sa tuktok ang defending champions La Salle  tangan ang 9-1 card.

Maliban kina Lopez at Fortea sasandalan din ng UP ang pagbabalik ni JD Cagulangan na nagposte rin ng siyam na puntos, apat na assists at dalawang steals sa 15 minutong pag­laro laban sa UST.

Pero tiyak na mapapa­laban ang Fighting Maroons dahil nais ng Red Warriors na makabangon agad mula sa pagkakadapa sa nakaraang laban.

Tumukod ang UE sa DLSU, 68-77 noong Oktubre 12 kaya kailangan nilang manalo upang hindi malaglag sa magic four at manatiling malaki ang tsansa sa asam na korona ngayong season.  

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with