^

PSN Palaro

UAAP magtatayo ng sariling tahanan

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magtatayo ang UAAP ng sarili at permanente nitong arena sa Pasig sa tulong ng Akari Lighting Technology and Corporation na inaasahang matapos sa 2027.

Aabot sa 6,000-seater ang kapasidad ng arenang babansagang “Home of the UAAP” na magiging kauna-unahang arena ng kahit anong liga sa buong bansa.

Dito idadaos ang lahat ng indoor games ng UAAP at ilan sa elimination games ng basketball at volleyball bagamat ang malalaking laban kabilang na ang playoffs at championships ay sa mga higanteng arena pa rin tulad ng Smart-Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.

Dito rin itatayo ang per­manenteng office at headquarters ng pinakapremyadong collegiate league sa bansa pati na ang ibang office at commercial spaces ng liga.

Ayon sa UAAP, magiging bukas din ito na maging venue ng mga national sporting events pati na ng ibang liga tulad ng professional leagues na PBA at PVL maging ang kapareho nitong collegiate league na UAAP.

Nagpirmahan na ng memorandum of agreement ang UAAP sa pangunguna nina UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag, Akari CEO Christopher Tiu, UAAP Season 87 chairman at UP president Atty. Angelo Jimenez, UP Diliman chancellor Atty. Edgardo Carlo Vistan at negotiating panel head Fr. Aldrin Suan, CM, of Adamson kahapon sa UP Diliman sa Quezon City bilang simbolo rin ng pagsisimula ng UAAP Season 87 na iho-host ng UP.

Ngayong taon inaasa­hang matapos ang schematic designing ng proyekto sa ilalim ng Asya Design, isa sa top architectural firms sa bansa, bago simula ang bidding at construction sa susunod na taon.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with