^

PSN Palaro

Bolts, Hotshots unahan sa panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts, Hotshots unahan sa panalo
Magkikita ang Bolts, nagkampeon sa nakaraang Season 48 Philippine Cup, at Hotshots sa ganap na alas-7:30 ng gabi.
PBA Image

PBA Governors’ Cup simula na

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Meralco ang misyon para sa ikalawang sunod na korona, habang hangad ng Magnolia na tapusin ang pagkauhaw sa titulo sa pagbubukas ng PBA 49th Season Governors’ Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Magkikita ang Bolts, nagkampeon sa nakaraang Season 48 Philippine Cup, at Hotshots sa ganap na alas-7:30 ng gabi.

Halos hindi binago ng Meralco ang kanilang lineup kung saan tanging si rookie CJ Cansino ang ka­nilang idinagdag  habang si one-time PBA Best Import Allen Durham ang kanila pa ring ipaparada.

Makakatuwang nina Durham at Cansino sina Chris Newsome, Allein Maliksi, Chris Banchero, Cliff Hodge, Bong Quinto, Raymond Almazan at Brandon Bates.

Isasalang naman ng Magnolia sina dating NBA Slam Dunk champion Glenn Robinson III, Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang, Calvin Abueva at ang bagong hugot na si Zav Lucero.

Huling naghari ang Hotshots noong 2018 PBA Governors’ Cup.

Inaabangan din kung sino sa dalawang koponan ang unang gagamit sa four-point shot na inaprubahan ng PBA Board sa kanilang planning session sa Osaka, Japan.

Sa bagong tournament format, hahatiin ang 12 teams sa dalawang grupo.

Ang Group A ay binubuo ng nagdedepensang TNT Tropang Giga, Meralco, Magnolia, Converge, Terrafirma at NorthPort.

Nasa Group B ang Barangay Ginebra, San Miguel, Rain or Shine, Phoenix, NLEX at Blackwater.

Ang top four teams sa bawat grupo ang papasok sa crossover best-of-five quarterfinal round papunta sa best-of-seven semifinals showdown at best-of-seven championship series.

Samantala, bilang pagdiriwang ng ika-49 season ay ibinaba ng PBA sa P49 ang tiket sa upper box pataas.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with