^

PSN Palaro

Cone dinepensahan si Japeth

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cone dinepensahan si Japeth
Gilas Pilipinas head coach Tim Cone
FIBA

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Japeth Aguilar sa mga bumabatikos sa kanya matapos ang laban ng Pilipinas at Brazil sa semis ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Kaliwa’t kanang banat ang tinamo ni Aguilar nang matalo ang Gilas Pilipinas sa Brazil sa iskor na 60-71 dahilan para matuldukan ang pag-asa ng Pinoy ca­gers na makapasok sa Paris Olympics.

Iginiit ni Cone na mismong siya pa ang nakiusap kay Aguilar na maglaro sa Olympic qualifiers matapos magtamo ng injury ang ilan sa key players nito.

“I begged Japeth to join us in Latvia,” ani Cone sa kanyang post sa social media.

Nais sana ni Aguilar na magpahinga matapos ang PBA para makasama ang kanyang pamilya.

Subalit dahil na rin sa kahilingan ni Cone, puma­yag itong maglaro kasama ang Gilas sa Latvia.

Malaking tulong si Aguilar lalo pa’t hindi nakapag­laro si big man AJ Edu na nagpapagaling pa sa injury na natamo nito sa Japan B.League.

Bihirang nagamit si Aguilar sa Olympic qualifiers.

Nagtala ito ng ave­rages na 2.7 points at 3.3 rebounds bilang supporting role sa Gilas.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with