^

PSN Showbiz

Nanay ni Sarah, natakot pumatol

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanay ni Sarah, natakot pumatol
Esther, Sarah Lahbati at Zion

Pagkatapos ngang mag-post ng nanay ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama tungkol sa kanyang kagalit diumano na tinawag na Chucky ay hindi pa rin doon nagtapos at nagbigay pa ito ng clue.

Maaalalang nag-post siya kamakailan na gustong makalaban ni Annabelle Doll si Chucky at hindi raw ito lalaban sa Barbie Doll na maganda, maputi at makinis, inisip agad ng ibang netizens na ang ex-wife ni Richard na si Sarah Lahbati ang pinasasaringan nito.

Pero nagkomento ang misis ni Eddie Gutierrez na mali raw ang hula ng netizens kung sino si Chucky.

Hindi raw ito S kundi E.

Common knowledge na hindi maganda ang naging hiwalayan ng dating mag-asawang Sarah at Richard at ganon din ang mga magulang nila na sina Esther at Abdel Lahbati.

Nagkaroon diumano ng parinigan sa mga post sa pagitan ng dating biyenan ng dalawa.

Kaya naman pati ang nanay ni Sarah ay kinulit ng netizens at sinabing tingnan nito ang post ng nanay ni Richard sa Facebook.

Sinagot ni Esther ang nagkomento at sinabing hindi na raw kailangan dahil abala lang ito sa kanya.

Mukhang mas pinili nga nitong huwag nang pumatol kesa lumaki pa ang intriga sa dalawa.

Samantala, abala naman ang nanay nina Zion at Kai sa trabaho nito. At kamakailan nga ay nag-post din ito ng TikTok video kasama si Kyline Alcantara na inisip ng netizens na sagot nito sa dating biyenan pero maaari namang nagkataon lang din at binigyan lang ng kahulugan ng mga ito.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with