^

Police Metro

Duterte camp, maghahain ng mosyon sa pagbasura sa habeas corpus petitions

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng matinding pagkadismaya ang kampo ni Veronica Duterte matapos matanggap ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura bilang moot o wala nang saysay ang mga petisyon.

Sinabi ni Atty. Salvador Paolo Panelo, abogado ng anak ng dating pangulo na si Veronica, na nadismaya sila kaya maghahain ng apela.

Binigyang-diin sa desisyon ng Korte Suprema na wala nang saysay ang usapin dahil nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) sa Netherlands ang dating pangulo.

Sa resolusyon, hindi naglabas ng pasya sa pagiging legal ng pagdadala kay FPRRD sa The Hague.

Giit ni Panelo bagama’t may kaukulang paggalang sa Korte Suprema, ang naging pasya ay tila nagpapababa sa writ of habeas corpus sa isang karera upang mailabas sa teritoryo ng Pilipinas ang isang nakadetine bago pa man makakilos ang mga hukuman.

Inaasahang magsisimula ang trial ng kaso ng dating pangulo sa ICC sa darating na Nobyembre 30, 2026.

VERONICA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with