Ekonomista, nanghinayang sa Trump-ASEAN visit
MANILA, Philippines — Nagpahayag nang pagkadismaya at panghihinayang ang ilang ekonomista at analista sa mga naging resulta at limitasyon ng pagbisita ni U.S. President Donald Trump sa Maynila para sa 49th ASEAN Summit nitong Nobyembre 2026.
Ayon kay Mr. Astro del Castillo, UP Professor at Economist, sayang ang oportunidad sa pagpunta ni Trump dahil natumbok ang usapin sa taripa at panay memorandum of understanding lamang ang mga napagkasunduan at walang naganap na memorandum of agreement.
“Sana na address ang isyu sa taripa, malaking tulong ito pero hindi nangyari dapat sana maganda rin na natulungan sa import at technology na mapakakas sana sa bansa. Panay memorandum of understanding lang ang nangyari at hindi memorandum of agreement”, wika ni Del Castillo.
Nanawagan din ito ng transparency sa P22 bilyong nagastos ng pamahalaan sa naganap na ASEAN Summit.
Aniya, dapat ay hindi lamang panay salita ang nangyari sa mga napag-usapan at tigilan na ang mga pamumulitika sa bansa at isentro ang atensiyon sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Sa datos ng Bureau of the Treasury, umaabot na sa higit P19.66 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Setyembre 2026.
- Latest















