Tapyas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayong Martes
MANILA, Philippines – Muling magpapatupad ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, ngayong araw.
Ayon sa Department of Energy (DOE) ang presyo ng gasolina, kabilang na ang RON 97, RON 95 at RON 91, ay may tapyas na P3.00 kada litro.
Ang presyo naman ng diesel, gayundin ng diesel plus, ay may bawas na P2.60 kada litro.
Nasa P1.60 naman ang tapyas kada litro sa presyo ng kerosina.
Anya, ang mga pagbabagong ito ay nakabatay sa galaw ng pandaigdigang merkado ng langis, sa gitna ng patuloy na kaganapan sa Middle East na nakakaapekto sa global supply at presyo.
Ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay karaniwang iniaanunsiyo tuwing Lunes, at ipinaiiral kinabukasan
- Latest















