^

Metro

31 taon kulong at P1.5 milyon multa, hatol sa recruiter ng 2 Pinay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kulong na aabot sa humigit-kumulang na 31 taon at multang P1.5 milyon ang naging hatol ng Pasay City court nitong Huwebes laban sa isang lala­king napatunayan sa pagkakasala sa attempted trafficking at illegal recruitment na naaktuhan sa pag-eskort sa dalawang Pinay na hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Cambodia, noong nakalipas na taon.

Sa desisyon nitong Nobyembre 19, 2026, idineklarang ‘guilty beyond reasonable doubt’ ng Pasay Regional Trial Court (RTC), Branch 111, si Zandel Florendo Buenosa nasabing mga kaso kaugnay sa recruitment scheme.

Nag-ugat ang kaso sa insidente noong Abril 20, 2025, nang harangin ng Bureau of Immigration (BI) - Immigration Protection and Border Enforcement Section/Unit (IPROBES) ang dalawang babae na papasakay sa flight patu­ngong Hong Kong, at lilipat umano sa Cambodia para magtrabaho.

Umamin ang mga biktima na sila ay ni-recruit sa pamamagitan ng Facebook ng isang gumagamit ng pangalang “Hannah,” na nag-alok sa kanila ng trabaho bilang customer service representatives sa Cambodia, na may pa­ngakong buwanang sahod na US700, karagdagang US300 allowance, at libreng board and lodging.

Pinagpanggap sila na mga turista at tinuruan ng pagsisinungaling para makalusot, at ineskortan sila ng akusado na humawak sa kanilang travel arrangements, kung saan sila nabuking, at inaresto.

Bukod kay Bueno, isang Jane Doe ang kasamang kinasuhan ng Attempted Trafficking in Persons.

Ang akusado ay sinentensyahan ng 15 taon na pagkakakulong at multa na P500,000 para sa Attempted Trafficking in Persons, at 12 taon at isang araw hanggang 16 taon na pagkakakulong at multa na P1,000,000.00 para sa Illegal Recruitment.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with