QCPD, matagumpay na tinapos ang seguridad sa ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Matagumpay na tinapos ng Quezon City Police District (QCPD) ang seguridad para sa 49th ASEAN Summit 2026 matapos manatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa Quezon City.
Sa ilalim ng pamumuno ni QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, nagtalaga ang QCPD ng mga pulis sa mahahalagang lugar gaya ng Welcome Rotonda, EDSA People Power Monument at University of the Philippines-Diliman upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mga delegado.
Nasa Full Alert Status ang QCPD mula Nobyembre 10 at nagsagawa ng 24-oras na pagpapatrolya, checkpoint, route security, inspeksyon, pamamahala sa trapiko, at crowd control.
Nakatulong din sa pagpapatupad ng seguridad ang mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera Administrative Region (PROCAR) na ipinadala bilang karagdagang puwersa.
Pinasalamatan ni Olazo ang mga pulis sa kanilang disiplina at propesyonalismo, gayundin ang mga residente ng Quezon City sa pakikiisa at pagsunod sa mga panuntunan sa seguridad at trapiko na nakatulong sa maayos na operasyon sa panahon ng summit.
- Latest

















