^

Metro

Maynilad may libreng septic tank cleaning sa mga barangay

Pilipino Star Ngayon
Maynilad may libreng septic tank cleaning sa mga barangay
Saklaw ng programa ang mga piling barangay sa Caloocan, Las Piñas, Manila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City at Valenzuela, gayundin sa Bacoor at Imus sa Cavite. Karaniwang nagkakahalaga ng P4,700 kada truck ang natu­rang serbisyo ngunit walang karagdagang bayad ang mga kuwalipikadong customer.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — May libreng septic tank cleaning ang Maynilad Water Services Inc. ngayong Nobyembre para sa mga residential at semi-business customer nito sa mga ­piling barangay sa Metro Manila at Cavite.

Saklaw ng programa ang mga piling barangay sa Caloocan, Las Piñas, Manila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City at Valenzuela, gayundin sa Bacoor at Imus sa Cavite. Karaniwang nagkakahalaga ng P4,700 kada truck ang natu­rang serbisyo ngunit walang karagdagang bayad ang mga kuwalipikadong customer.

Ayon kay Engr. Zmel Grabillo, hepe ng Wastewater Management ng Maynilad, layunin ng programa na mabawasan ang polusyon sa mga ilog sa Metro Manila sa pamamagitan ng maayos na paglilinis ng mga septic tank. Hinimok niya ang mga customer na samantalahin ang serbisyo upang makatulong sa pangangalaga sa kalusugan ng komunidad at kapaligiran.

Kabilang sa mga sakop na lugar sa Quezon City ang Baesa, Bahay Toro, Commonwealth, Doña Imelda, Greater Fairview, Greater Lagro, Payatas, Tatalon at West Fairview. Sakop din ang mga piling barangay sa iba pang nabanggit na lungsod, kabilang ang Aniban II at Habay I sa Bacoor at Anabu I-C, Bayan Luma II at mga bahagi ng Tanzang Luma sa Imus, Cavite.

Pinapayuhan ang mga interesadong customer na tumawag sa Maynilad Hotline 1626 upang malaman ang mga kinakailangan at proseso sa pag-avail ng libreng serbisyo. Maaari ding bisitahin ang opisyal na website ng kumpanya sa www.mayniladwater.com.ph para sa karagdagang impormasyon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with