^

Metro

Halos 6K college students sa Parañaque, nabigyan ng cash assistance

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Halos 6K college students sa Parañaque, nabigyan ng cash assistance
Kabuuang 5,960 estudyante ang nakatanggap ng grant sa ilalim ng Tertiary Education Financial Assistance Program (TEFAP) ng lungsod, na nagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga pamilyang nahihirapang tustusan ang pagpapaaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng karag­dagang pinansyal na suporta mula sa lokal na pamahalaan ang mga college students sa Para­ñaque City, kung saan halos 6,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng cash assistance upang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.

Kabuuang 5,960 estudyante ang nakatanggap ng grant sa ilalim ng Tertiary Education Financial Assistance Program (TEFAP) ng lungsod, na nagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga pamilyang nahihirapang tustusan ang pagpapaaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak.

Sa kabuuang benepisyaryo, 3,860 ang personal na nakatanggap ng kanilang cash assistance sa payout noong Biyernes, habang 2,100 naman ang nakatanggap ng kanilang grant sa pamamagitan ng digital disbursement noong Huwebes.

Ang mga kwalipikadong estudyante ay tumatanggap ng P4,000 o P6,000 kada semestre, depende sa kanilang academic performance na direktang na-credit sa GCash accounts ng mga benepisyaryo na naka-link sa kanilang HELP Citizen Cards.

Nakakatulong ang pinansyal na tulong upang masakop ang mga gastusin sa paaralan at iba pang gastos na may kinalaman sa buhay kolehiyo, na nagbibigay-daan sa mga estudyante at kanilang mga pamilya na mas maayos na mapamahalaan ang kanilang limitadong budget.

Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez na nananatiling prayoridad ng city government ang pamumuhunan sa edukasyon, na patuloy na magbibigay ng tulong at oportunidad upang matulungan ang mga kabataang Parañaqueño na makamit ang kanilang mga layuning akademiko.

ASSISTANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with