^

Police Metro

Makati court naglabas ng extradition arrest warrant vs Quiboloy

Ludy Bermudo - Pang-masa
Makati court naglabas ng extradition arrest warrant vs Quiboloy
Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy faces senators for the first time during the public hearing of the Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Wednesday, October 23, 2024.
Senate Public Relations and Information Bureau

MANILA, Philippines — Nag-isyu nitong Huwebes ang Makati City Regional Trial Court (RTC) ng extradition warrant of arrest at hold departure order laban sa nakakulong na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Carreon Quiboloy at dalawang akusado sa kasong nakabinbin sa Estados Unidos, ayon sa Department of Justice.

Ang pag-isyu ng warrant at hold departure order laban kina Quiboloy, Teresita Dandan, at Helen Panilag nang makitaan ng probable cause sa kaukulang foreign arrest warrant at indictment, na ang mga kasong isinampa ay extraditable offenses, at ang bawat extraditee ay may kasong naisampa.

Ayon sa DOJ, ang extradition warrant of arrest ay alinsunod sa Section 4, Rule 2 ng Rules on Extradition Proceedings na kapag naabisuhan ang korte sa pagpapatupad nang pag-aresto sa isang extraditee, ang kaukulang summons. Kasama ang kopya ng petisyon at mga kalakip nito ay personal na ihahatid sa extraditee. May 15 araw mula sa pagtanggap ng summons, upang maghain ng verified answer.

Kasalukuyang nakakulong si Quiboloy sa Pasig City Jail para sa kanyang hiwalay na kasong qualified human trafficking na nakabinbin sa Pasig City Regional Trial Court.

Inaresto si Quiboloy noong 2024 dahil sa mga kasong human-trafficking kaugnay sa paggamit sa mga kababaihan at batang miyembro ng sekta upang magbenta ng mga produkto at mangalap ng pondo para sa kanyang simbahan.

Ang isang US grand jury ay nag-indict kay ­Quiboloy, tatlong taon na ang nakalilipas dahil sa conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex traffic­king of children, at bulk cash smuggling.

APOLLO QUIBOLOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with