^

Police Metro

Terorista utas, 2 sugatan sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pinaghihinalaang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG) terrorist ang nasawi habang dalawa nitong kasamahan ang nasugatan sa naganap na engkuwentro sa Brgy. Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Huwebes.

Sa ulat ni Lt.Col. Loqui Marco, Commanding Officer ng Army’s 90th Infantry Battalion (IB), alas-6:00 ng umaga nang isagawa ang joint law enforcement operation sa liblib na lugar sa nasabing bayan at target ang grupo ni Tahir Salik; gumagamit ng mga alyas na Joross Salik at Jubari at Samin Tagal alyas Samin; pawang mga aktibong miyembro ng DI-Hassan terrorist group.

Ang grupo ay nahaharap sa mga kasong kriminal na kinabibilangan ng murder frustrated murder at robbery na batayan sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa mga ito.

Papasok pa lamang sa lugar ang mga tropa ng pamahalaan ay pinaulanan na ng bala ng mga DI-Hassan terrorist group na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng mahigit 15 minuto na ikinasawi ng isang miyembro ng teroristang grupo habang nasugatan naman ang dalawa nitong kasamahan na nasukol ng mga otoridad.

TERRORIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with