^

Probinsiya

74 arestado sa 2-araw na police ops sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Aabot sa 74 na indibidwal ang naaresto ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa loob lamang ng dalawang araw na pagpapatupad ng Nationwide Simulta­neous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) noong Nobyembre 7 hanggang 8, 2026.

Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 69 ang mga indibidwal na may kinakaharap na mga kaso at kabilang sa listahan ng mga wanted persons, habang lima pa ang nadakip sa pamamagitan ng pagsisilbi ng mga warrant of arrest.

Base sa tala ng QPPO, kabilang sa mga naarestong wanted persons ang lima na nasa regional level, 11 sa provincial level at apat na municipal-level most wanted persons.

Samantala, 49 pang wanted persons ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ng mga himpilan ng pulisya at operating units sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Naging posible ang naturang resulta dahil sa pinaigting na intelligence-driven operations at koordinasyon ng mga police station at operating units sa buong lalawigan.

Kaugnay nito, pinuri ni Col. Albacea ang mga pulis na sumabak sa operasyon dahil sa kanilang dedikasyon at propesyonalismo sa pagpapatupad ng batas.

CRIMINALITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with