Nico, negosyante ang bagong karelasyon

Malaki ang papel ng Viva singer-actress Nadine Lustre sa pagpasok ng Italian model-DJ-turned actor-host na si Nico Locco sa showbiz.
Nagkakilala sina Nico at Nadine in Jakarta, Indonesia sa isang music festival kung saan si Nico ang host habang isa naman sa mga performer si Nadine.
Nasa Jakarta noon si Nico where he worked as DJ in a super club and would do hosting jobs as well. He stayed in Indonesia for two years at ito ang unang Asian country na kanyang napuntahan bago ang Pilipinas.
Nadine asked him to appear in her music video sa bago niyang single noon (under Viva) and that was the start ng kanilang pagkakaibigan. Six months later, the singer-actress invited him to visit the Philippines not him knowing na magbubukas ito ng panibagong opportunity para sa kanya.
In 2019, nag-audition si Nico sa You’re My Foreignoy talent search ng noontime show na Eat Bulaga and he ended up winning the title that year.
Nakatulong somehow ang kanyang appearance sa Eat Bulaga na nagbukas ng iba pang greater opportunities for him.
Ang inakala niyang bakasyon sa Pilipinas ay napalitan ng pananatili sa bansa nang mas matagal.
Although nagsimula siya sa pagmu-model, nagkaroon siya ng acting opportunity nang dumating ang offer ng GMA for him to appear on Wagas, at Tadhana maging sa isa pang serye ng Kapuso Network.
Ang GMA bale ang nagbigay sa kanya ng break sa acting, bagay na kanyang nagustuhan dahil ito ang kanyang tinapos sa UCLA (University of California Los Angeles) – Drama and Theater Arts.
Si Nico ay nagmula sa pamilya ng engineers. Engineer ang kanyang dad maging ang kanyang nakakatandang kapatid. Chemical engineering ang unang kurso sa University of Calgary in Canada dahil magaling umano siya sa math at science but after two years in school ay nag-shift siya sa ibang kurso.
Nang mag-move ng L.A. ang kanyang pamilya, nag-enrol siya sa UCLA at nagpalit siya ng kurso at kinuha niya ang Drama and Theater Arts.
Back in L.A., he had an agent representing him in Hollywood. To earn his own money, namasukan siyang DJ sa isang club at dito umano siya nakatanggap ng offer to work in Jakarta para maging DJ sa isang super club.
Mahigit siyam na taon na sa Pilipinas si Nicco and he loves it here. Mula sa kultura, pagkain and everything about the Philippines na halos kapareho umano sa Italy at kasama na rito ang pagiging family oriented and friendly ng mga Filipino.
Nico Locco is Nicholas Timothy Fowler in real life at parehong pure Italian ang kanyang parents at sa Italy siya isinilang. He was 13 nang mag-move ang kanyang pamilya sa Canada kung saan madali rin umano siyang nakapag-adjust sa kultura ng Canada kung saan siya nagtapos ng high school and two years in college.
Aminado si Nico na isa siyang `mama’s boy’ at naging mahirap para sa kanya at sa kanyang parents laluna sa kanyang ina ang mapawalay sa kanila nang magdesisyon siyang pumunta ng Jakarta. Sa Pilipinas, una niyang natutunan ang bad words in Tagalog na itinuro sa kanya ng kanyang Filipino friend. Dahil dito, nag-hire siya ng Tagalog teacher (who visits him thrice a week) para matuto siyang magsalita ng Tagalog nang tama.
Ngayon ay napakagaling nang magsalita ng Tagalog si Nico na parang isang local.
Tulad ng ibang showbiz personalities, hindi rin ligtas ang model-DJ, actor, at host sa mga intriga at na-involve rin siya sa dalawang matinding iskandalo, ang kanyang break-up with VMX star na si Christine Bermas at ang pagkakasangkot niya sa isang sex video scandal kung saan siya nag-panic sa takot na siya’y mawalan ng career dito sa Pilipinas.
Pagkatapos ng iskandalo ay patuloy ang buhay kay Nico at aktibo pa rin siya sa kanyang karera rito sa Pilipinas.
Isang taon matapos ang kanilang break-up ni Christine ay muling nakatagpo ng bagong mamahalin si Nico sa katauhan ng isang non-showbiz personality na isang entrepreneur.
- Latest




















