^

Police Metro

DBM, naglaan ng P82.9 bilyon sa government workers

Malou Escudero - Pang-masa
DBM, naglaan ng P82.9 bilyon sa government workers
The facade of the Department of Budget and Management building in Manila.
STAR / File

MANILA, Philippines — Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P82.9 bilyon para sa year-end bonus at cash gift ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno.

Makakatanggap ang bawat kwalipikadong empleyado ng bonus na katumbas ng isang buwang basic salary at P5,000 cash gift.

Ayon sa DBM, P73.449 bilyon ang inilaan para sa bonus habang P9.549 bilyon naman ang para sa cash gift.

Sinabi ni DBM Secretary Kim Robert C. De Leon na naipamahagi na ang pondo sa mga ahensya at dapat matanggap ng mga kawani ang benepisyo kasabay ng unang sahod sa Nobyembre.

Kwalipikado rito ang mga kawani na nakapagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan o 120 araw mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2026 sa national o local government.

Sinabi ni De Leon na malaking tulong sa mga kawani at sa kanilang pamilya ang nasabing bonus lalo at malapit na ang holiday season.

DBM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with