Janine naluha, dinalaw ang dating yaya!

Hindi lang sa girlfriend swerte si Jericho Rosales.
Swerte rin pala siya sa kaibigan.
May tribute ang actor sa kanyang kaibigang nakasama mula umpisa ng kanyang career.
Bihira sa showbiz ang nagkakaroon ng best friend forever (BFF).
Karaniwan ‘pag sumisikat na, naiiba na ang samahan.
Pero sa post ni Jericho, kilala rin ang kanyang BFF ng mga kasama niya sa trabaho.
Samantala, si Janine naman ay ang kanyang pag-alala sa yaya na namayapa ang post.
“Yayaaaa, we love you. we miss you everyday. nakakainis na ngayon lang kami nakadalaw sa inyo, kung kelan wala ka na. kala ko masasama mo pa ko dito pag matandang matanda ka na eh,” sabi ng aktres.
“Ang bilis na one year na. it still breaks my heart that you’re gone. but maybe one day it will all just turn into happiness and gratitude that I got to have you.”
At ipinapagawa pala ni Janine ang bahay ng pumanaw na yaya: “you’re in my heart always. don’t worry, tinatapos parin yung house mo, ya. love you. happy one year in heaven”
Maraming natuwa at naluha na kahit wala na ang yaya ni Janine, hindi nito tinapos ang pangako sa pagpapagawa ng bahay sa Albay.
At doon mo makikita na hindi lang pang-social media ang kabaitan ng magkarelasyong Jericho at Janine.
- Latest




















