^

Police Metro

Ginang na nam-bully, tinaga ng lalaking kapitbahay

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 35-anyos na ginang ang malubhang nasugatan nang siya ay pagtatagain ng 35-anyos na lalaking kapitbahay na umano ay binu-bully nito naganap nitong Huwebes sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Batay sa ulat, bandang alas-10:15 ng umaga ay naglalakad ang biktima karga ang kaniyang 3-anyos na pamangkin sa Doña Juana Road  nang biglang sumugod sa likod ang suspek at walang kaabog-abog na pinagtataga gamit ang 13-pulgadang butcher knife.

Nagtamo ang biktima ng  malalalim na dalawa o tatlong hiwa sa batok, sugat sa likod ng balikat, dalawang hiwa sa braso, at dalawang hiwa sa likod ng tainga.

Ayon sa naarestong suspek sa pulisya na nagawa niya ang krimen dahil hindi maganda ang pagtrato sa kaniya ng biktima.

Sinasabing madalas na ma-bully ng biktima ang suspek bagay na mariing itinanggi ng pamilya ng huli.

Kakasuhan ang suspek ng frustrated murder at child abuse dahil sa trauma na idinulot ng insidente sa batang pamangkin.

JUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with