^

Police Metro

Pax Silica, hindi ibibida sa ASEAN Summit - US Envoy

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang planong ianunsyo ang iminungkahing Pax Silica Economic Security Zone sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Maynila ngayong buwan.

Ito ang nilinaw ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton matapos lumabas ang mga ulat na posibleng magkaroon ng malaking pag-aanunsyo o paglagda sa framework agreement ng naturang inisyatiba sa gitna ng summit na dadaluhan ni US President Donald Trump.

Giit ni Lipton ang nasabing desisyon tungkol dito ay gagawin sa tamang panahon matapos ang masusing konsultasyon sa pamahalaan ng Pilipinas tungkol sa magiging epekto nito sa lahat ng sektor at mga stakeholders.

Ang  49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits ay nakatakdang gawin sa bansa mula Nobyembre 16-18 kung saan inaasahang dadalo ang iba’t ibang lider ng bansa kabilang si US President Donald Trump.

Sa nakalipas na mga buwan, naging sentro ng kontrobersiya sa Pilipinas ang Pax Silica initiative na planong itatag sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Una nang naiulat na magtatayo sa lugar ng isang data center para sa artificial intelligence (AI), na ikinabahala ng  mga environmental group  dahil sa posibleng masamang epekto nito sa kapaligiran.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with