^

Police Metro

Estudyante utas sa bumukas na engine cover bus

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Estudyante utas sa bumukas na engine cover bus
Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima na si alyas “Toto” ay nakatayo sa tapat ng isang fast food restaurant para mag-abang ng bus patungong Maynila.
Google Maps

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 20-anyos na college student matapos tamaan nang biglang bumukas na engine hood cover o takip ng makina ng isang pampasaherong bus habang naghihintay ng masasakyan sa gilid ng Mahar­lika Highway Barangay Tagbakin, Atimonan, Quezon, kama­kalawa ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Atimonan Municipal Police Station, alas-12:15 ng madaling araw nang mang­yari ang trahedya.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima na si alyas “Toto” ay nakatayo sa tapat ng isang fast food restaurant para mag-abang ng bus patungong Maynila.

Dito ay dumaan ang isang pampasaherong bus nang biglang bumukas at natanggal ang kanang bahagi ng engine cover nito.

Sa bilis ng takbo ng bus, napakalakas ng na­ging pagkakatama ng takip sa biktima na naging dahilan upang tumilapon ito ng ilang metro at magtamo nang matitinding pinsala sa katawan. Agad na isinugod ang estud­yante sa Doña Marta Hospital, subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng doktor.

Ayon kay Atimonan Police chief Maj. Allan Hernandez, sinabi ng driver na hindi nito napansin na bumukas ang takip ng engine compartment habang bumabyahe patungong Maynila.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang bus driver na si Mando, 56 ng Barangay Angeles, Atimonan, Quezon at nahaharap sa reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Noong nakaraang buwan, nasawi rin ang isang lalaking nagjo-jogging sa bayan ng Guinayangan matapos tamaan ng bumukas na takip ng compartment ng isang bus.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with