^

Pang Movies

Kakai ayaw ikasal, ayaw magkaanak

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kakai ayaw ikasal, ayaw magkaanak
Kakai

Proud na single at childless sa edad na 48 si Kakai Bautista.

Sa guesting niya sa I-Listen with Kara David, sinabi niyang nagising na lang siya isang umaga na okay na siya kahit hindi ikasal. “‘Yung kasal, si Lord na talaga gagawa kung gusto Niya talaga mag-asawa ako,” sey ni Kakai na mas gusto lang ay companion.

Paliwanag ng singer-comedian kung bakit ayaw niya ng anak, malaki ang naging epekto ng mga karanasan niya noong bata pa siya. Ayaw rin niyang magdagdag ng carbon footprint at ayaw niyang magluwal ng isa pang magiging biktima ng mundo.

May sagot din siya sa mga nagtatanong kung sino ang mag-aalaga sa kanya pagtanda niya? “O sige, mag-aanak ako, mag-aasawa ako. Kayo gagastos ha? Kayo gagastos. Kayo magpapaaral. O ‘di tumahimik,” tawa niya.

Kuntento na raw siya sa buhay at may “growing sense of contentment.” Bukas pa rin siya sa pag-ibig at “ready na ready.”

Payo niya sa mga single na napi-pressure magkaanak: “Masarap maging single. Masarap makilala ang sarili... I-build mo na ‘yung sarili niyo... Saka kayo tuluyang umibig, gumawa ng pamilya.”

Ronnie Liang, pwede na sa military operations

May bagong tagumpay sa military career ang singer-actor na si Ronnie Liang — isa na siyang ganap na Army Aviator.

Bilang Army Aviator, kwalipikado na siyang magpalipad ng aircraft para sa military operations.

Ipinagmalaki ni Ronnie ang kanyang achievement sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang kanyang aviation badge o “wings” na may caption na, “Thank you Army Aviation Family!”

Nagsimulang mag-aviation training si Ronnie noong 2019 at nakuha niya ang kanyang Private Pilot License in 2021. Na-promote rin siya to Philippine Army First Lieutenant in March 2022.

Sinimulan niya ang flight duties and missions for the Army Aviation Battalion nitong 2026.

English comedian, guilty sa rape

Napatunayang guilty si Russell Brand ng isang count ng rape at tatlong count ng sexual assault ng isang U.K. jury.

Not guilty naman ang 51-year-old English comedian sa dalawa pang count ng rape at isang count ng attempted indecent assault. Nag-deliberate ang jury ng tatlong araw bago ilabas ang hatol.

Tinanggihan ang hiling na bail kaya mananatili sa kulungan ang komedyante habang hinihintay ang sentencing sa Nov. 9.

Ayon sa New York Times, karaniwang 4 hanggang 19 years ang sentensya sa rape sa U.K., at habambuhay na pagkakakulong ang maximum.

Noong April 2025, itinanggi na ni Brand ang mga paratang sa X at sinabing: “What I never was, was a rapist. I’ve never engaged in nonconsensual activity.”

Nakilala si Brand sa pagbida sa mga pelikulang Get Him To The Greek, Arthur, Rock of Ages, Hop at sa sarili niyang radio show na The Russell Brand Show.

Dating kasal si Brand kay Katy Perry noong 2010. Nag-divorce sila in 2012.

KAKAI BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with