^

Probinsiya

Bakeshop nilooban ng 7 armado, P200K samsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P200,000 halaga ng cash ang natangay nang looban ng pitong armadong kalalakihan ang isang Bakeshop & Restaurant matapos igapos ang guwardiya rito sa Lipa City, Batangas, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Lipa City Police P/Lt. Col. Aleli Buaquen, dakong ala-1:48 ng madaling araw nitong Martes nang dumating ang mga suspect na sakay ng tuktuk, isang uri ng behikulo na kawangis ng e-trike sa nasabing establisimyento sa kahabaan ng JP Laurel highway sa Brgy. Sabang ng lungsod.

Nakunan pa sa CCTV footage ang tatlo sa mga armadong suspect na inatake ang guwardiya ng bakeshop na natutulog kung saan ay iginapos ang mga kamay at paa nito saka piniringan. 

Kinuha rin ng mga suspect ang service pistol ng guwardiya na isang cal. 9 MM at cellphone nito.

Agad na pinasok ng mga holdaper ang establisimyento matapos na wasakin ang padlock ng pintuan sa harapan at pasado alas-2 ng madaling araw ay namataan ang mga itong tumatakas tangay ang vault nito na naglalaman ng P200,000 na kinita sa nasabing bakeshop.

Natukoy naman ang operator ng tuktuk kaya agad nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya laban sa mga suspect kung saan dalawa sa mga ito sa Tondo, Manila at dalawa naman sa Recto Avenue sa lungsod ng Maynila. 

Isa sa mga nahuling suspect ay kinilala sa panga­lang Kevin, driver ng behikulo na inimpound ng mga awtoridad.

Nabatid na ang grupo ng mga suspect ang nasa likod ng mga nawakan sa establisimyento sa CALABARZON at iba pang mga lugar. Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa nalalabi pang mga suspect.

HOLDAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with