^

PSN Opinyon

Budget transparency: Huwag ipaagaw sa mga Duterte ang naratibo!

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Ang proposed National Expenditure Program (NEP) o budget ng Executive ay hindi walang kapintasan. Ma­rami itong kakulangan. Maging ang macroeconomic assump­tions nito ay madalas na pinagtatalunan ng mga eksperto. Hindi rin ganap na mapanlahok ang proseso ng paghahanda ng budget dahil kadalasan ay hindi kasama ang mga bata­yang sektor at civil society.

Dito pumapasok ang kapangyarihan at responsibilidad ng legislature na busisiin, talakayin at amyendahan ang pro­posed budget. Bahagi ito ng kanilang “constitutional power of the purse” at prinsipyo ng “checks and balance.” Ang mga pagbabagong dumaan sa congressional delibe­rations ay tinatawag na NEP amendments. Bagama’t ang budget amendments ay kailangan ding busisiin, hindi lahat ng pagbabago sa NEP ay awtomatikong iregular o kahina-hinala.

Samantala, ang budget insertion ay ang palihim na pagsingit ng mga alokasyon na hindi dumaan sa regular na proseso ng deliberasyon. Kadalasan, iilang mambabatas o maliit na grupo lamang ang nakaaalam nito. Sa mga nakaraang budget cycle, iniuugnay ang mga insertions sa tinaguriang “small committee” at sa bicameral conference committee o bicam. Kaya mahalagang tagumpay ang pagbubukas sa publiko ng bicam, bunga ng panawagan ng mga budget reform advocates.

Ngunit hindi lamang sa gitna o huling bahagi ng budget process nangyayari ang insertions. May mga insertions din diumano sa NEP mismo, o sa budget preparation pa lang ng Executive.

Malinaw na nangyayari ang mga anomalya sa iba’t ibang stages ng budget process, mula sa Executive prepa­ration, sa legislative deliberations, hanggang sa implementasyon. Malawak ang problema, kaya kailangan na ang hamon para sa transparency ay sakop ang lahat ng ito.

Sa ganitong paraan, maiiwasan nating malinlang ng fake news at political spin. May mga grupo, partikular ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte, na ginagamit ang kampanya para sa budget transparency upang lituhin ang mamamayan, agawin ang naratibo at ilihis ang public attention palayo sa impeachment trial. Para sa kanila, unahin daw ang budget transparency kaysa sa impeachment. Neknek nila!

Protektahan natin ang ating kampanya para sa budget transparency at accountability. At ang unang hakbang ay ang wastong pag-unawa sa iba’t ibang isyung kaugnay nito.

NEP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with