^

Metro

Mag-live-in partner, patay sa sunog sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-live-in partner, patay sa sunog sa Quezon City
Kinilala ang mga biktima na isang 30-anyos na lalaki at ang kanyang 26-anyos na kinakasama. Nagsimula ang sunog sa Stanford St., Brgy E. Rodriguez, dakong alas-5 ng hapon at umabot sa ikaapat na alarma pagsapit ng alas-5:21.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasawi ang mag-live-in partner matapos ma-trap sa banyo ng kanilang bahay nang sumiklab ang sunog sa Cubao, Quezon City, nitong Lunes ng hapon, Nob­yembre 2.

Kinilala ang mga biktima na isang 30-anyos na lalaki at ang kanyang 26-anyos na kinakasama. Nagsimula ang sunog sa Stanford St., Brgy E. Rodriguez, dakong alas-5 ng hapon at umabot sa ikaapat
na alarma pagsapit ng  alas-5:21.

Ayon sa nakababatang kapatid ng lalaki, nagtungo siya agad sa lugar matapos hindi makontak sa tele­pono ang dalawa habang nasa Rizal. Nabatid niyang pumasok ang kanyang kuya sa nasusunog na bahay upang iligtas ang kinakasamang natutulog noon.

Sinubukan umanong pigilan ng mga residente ang lalaki dahil malakas na ang apoy, ngunit nag-pumilit itong pumasok sa bahay. Hindi na ito nakalabas at kapwa natagpuan ang mag-partner na wala nang buhay sa loob ng banyo.

Tinatayang 120 kabahayan naman ang natupok at nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog. Kabilang sa mga nawalan ng tirahan si Lovely Bodomo na bag at alagang aso lamang ang nailigtas mula sa kanilang bahay.

Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa masisikip na eskinita sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian. Inaalam din ang iba pang detalye kaugnay ng insidente at lawak ng pinsala sa mga apektadong pamilya.

CUBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with