^

Police Metro

5 miyembro ng Gapos Gang todas sa shootout

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng umano’y Gapos Gang ang nasawi nang sila ay nakipagbarilan sa mga tumutugis na pulis naganap nitong Martes ng hapon sa Molino Flyover, Brgy. Molino 3, Bacoor City Cavite.

Ayon kay Bacoor Chief of Police P/LtCol Alexie Desamito, na bago naganap ang shootout ay plano umanong pasukin ng grupo ang isang bahay sa isang exclusive subdivision sa kahabaan ng Molino Boulevard.

Gayunman natunugan ito ng may-ari ng papasukin nilang bahay kaya’t tumawag ng mga pulis.

Nang rumesponde ang mga pulis at sitahin sila ay nagsitakas ang mga suspek sakay ng kanilang sasakyan at pinutukan umano ng mga ito ang mga humahabol na pulis.

Pagdating sa flyover ay doon na nagkaroon ng shootout na agad ikinasawi ng limang suspek na ang isa ay dating pulis.

Nabatid na ang limang suspek ay miyembro ng isang criminal group na sangkot sa robbery-holdup at kidnap for ransom.

GAPOS GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with