^

Punto Mo

Langis at petrolyo ang tunay na dahilan kaya nagkakagulo

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

GULAT at kilabot ang bumalot sa maraming bansa dahil diumano’y pag-aanunsyo ng parating na delubyo na hindi niliwanag kung ano ang dahilan at kung saan nagmula ang babala. Una nang bumalot sa pangamba ng buong bansa ang babala ng paparating na El Niño o tag-tuyot sa buwan ng Oktubre at aabot hanggang sa buwan ng Abril. Ang tesyon sa buong mundo ay bunga ng kasakiman.

Ibayong pag-aaral at pakikinig sa mga alituntunin ng mga sangay ng gobyerno na may direktang kinalaman sa makabuluhang programa ang kailangan. Hintayin ang pahayag ng may kredibilidad na tagapagpahayag at huwag magpakataranta!

Hindi dapat pinapalaganap ang istorya kung wala namang matibay at konkretong katotohanan. Maaring makapagdulot ito ng kalituhan at pagbagsak ng mga negosyo at humantong sa mas lalong kaguluhan sa pamayanan. Negosyo sa langis talaga ang tunay na dahilan ng lahat.

Mas magiging kapani-paniwala kung ang alarma ay may kinalaman sa magiging resulta sa giyera sa pagitan ng US-Iran, China-Taiwan, Russia-Ukraine at Yemen Houthi’s at Saudi Arabia na kung magpapatuloy ang armadong komprontasyon ay magdudulot nga ito ng malupit na epekto ng kahirapan sa maraming bansa kabilang ang Pilipinas.

Hindi masama ang paghahanda at pag-iimpok ng mahahalagang bagay at pananggalang sa gutom at karamdaman sa bawat tahanan, pero siguruhi’ng ito’y hindi magdudulot ng pagkalito at tuluyang pagkataranta. Dapat na maging mahinahon at makabuluhan ang bawat ikikilos upang hindi madiskaril ang pamumuhay ng taumbayan dahil lamang sa haka-haka at inisyatibong makapaghatid ng mga maliyosong balita na malayo sa katotohanan.

Uso ngayon ang ‘‘budol-balita’’ na lalo lamang nagpapabagsak sa ekonomiya ng buong mundo. May malubhang problema na ang bansa sa korapsyon at peace and order. Huwag na nating bigyan ng hanapbuhay ang mga lumilikha ng ‘‘budol-balita’’. Mema-i-content lang.

EL NIñO.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with