Matapos sabihing break...Bela at jowa, lagi pa ring magkasama!

Malamang na para sa korte lang diumano ang announcement ng break up more than a month ago ni Bela Padilla at tech CEO na si Martin Tan.
Nabanggit nga ni Bela sa isang post na magpapatuloy sila sa kani-kanilang buhay matapos ang walong buwang relasyon.
Ibinahagi ng aktres ang update na ito sa isang Instagram post last September kung saan sinabi niyang pinasasalamatan niya ang ex dahil sa naging relasyon nila.
Si Martin Tan ay ang only son ng bilyonaryong si Lorenzo Tan.
Inamin ni Bela sa nasabing post na ilang buwan na silang nagde-date ni Martin, at ito ang unang relasyon daw niya kung saan talagang nahulog ang loob niya dahil pareho silang mahilig sa pelikula, food markets at kanilang trabaho; at higit daw sa lahat, mahal nila ang simpleng pagsasama.
Pero sa tingin daw niya, minsan, ang pagmamahal sa isang tao ay nangangahulugan din ng pag-alam kung kailan dapat bumitaw—bago pa man mawala ang mga magagandang bagay na nakita ninyo sa isa’t isa.
“I kept things private mostly because this was also my first relationship where I felt most like and unlike myself. I’m writing this because we all enjoyed the videos of us in the legazpi market. We all saw a new couple, a bit shy and awkward. But what you never got a glimpse of is us having the best and also hardest days for a couple of months now,” bahagi ng post niya that time.
Ex husband si Martin ni Maria Lorenzo kung saan matagal silang tumira sa Amerika bago naghiwalay. Si Maria Lorenzo ay kapatid ng mister nina Erich Gonzales (Mateo Lorenzo) and Claudia Barretto (Basti Lorenzo). Ang isa pa nilang kapatid na Lucas Lorenzo ay ang diumano’y karelasyon ni Julia Barretto sa kasalukuyan.
Pero kahit daw matagal na hiwalay sina Maria Lorenzo at Martin Tan ay hindi tapos ang proseso ng kanilang annulment.
Anyway, pagkatapos ng nga nasabing annoucement ni Bela ay nakita silang magkasama ng ilang beses na ang latest nga ay nitong long weekend.
Wilbea, box office king and queen na rin
Ang bongga, certifed box-office stars na rin sina Wilbert Ross at Bea Binene.
Umabot na sa P100 million ang kita pelikula nilang Pee Mak, local adaptation ng isang Thai movie na ang dami talagang nag-enjoy panoorin.
“Thank you for supporting Philippine cinema. Thank you for all the love. Pee Mak 100 million,” tweet kahapon ni Bea.
Nagpasalamat din si WIlbert sa kanyang Instagram story.
Anyway, kabilang nga sa pinagkaabalahan ni Wilbert ang nasabing pelikula.
Bukod sa Pee Mak, katatapos lang niya ng homecoming WRten concert sa Davao at itutuloy ang WRten concert tour sa CALABARZON simula November 28 sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex.
Pero wala umanong puwang ang burnout sa singer-actor dahil matagal niyang pinangarap na maging busy sa career niya. At lahat ’yon ay ipinagpapasalamat niya sa Viva management.
Ganunpaman, bago ang CALABARZON tour, magbabakasyon muna siya sa Australia, kung saan based ang nakababata niyang kapatid. “Plano ko po talaga mag-relax lang dun. Ang plano ko lang po talaga is mag-ikot sa Australia, tumambay sa kung saan man ako abutin ng katawan ko dala ang aking guitalele, kasi nagpabili na ako ng maliit na guitar.
“Gusto ko lang ‘yung feeling na free ako na magsulat lang, walang masyadong iniisip na work. I think deserve ko din naman sa rami ng nangyari na hindi ko pa nase-celebrate,” sabi niya sa mediacon kamakailan ng WRten concert tour sa CALABARZON.
Isa pa sa mga plano ng binata ngayon ang mag-ipon nang mag-ipon para makabili nang mas malaki-laking condo. “Investment siya for my arts and for my work, kasi yun po ang medyo mahirap sa ’kin ngayon, eh, kasi kahit busy po ako, uuwi pa rin po ako, naglalaba pa rin po ako. Kasi mag-isa po ako sa condo. Naglilinis pa rin po ako, with the health din, nag-oorder ako imbes na magluto ng mga healthy food. Yun eh, yung parang pagod ko, may dagdag pa imbes na magpahinga na lang,” sey niya.
“So save and invest on a bigger condo para makakuha ako ng kasambahay at P.A. (personal assistant) para makapag-focus ako sa pagsusulat ng kanta, sa pagpunta lang sa mga ano, may driver, so ayun po,” dugtong niya.
Parte ng planong ito ang pagbebenta ng mga naipundar niyang lupa sa Davao.
Giit ni Wilbert, mas kailangan niya ang malaking lugar para pag dinadalaw siya ng kanyang pamilya dito sa Maynila, kumportable silang magkakasama.
“Twenty-three square meters tapos parang sakto sa bed, ta’s meron sa lapag,” paglalarawan niya sa kasalukuyang tinutuluyan.
Anyway, looks like mabilis na ‘yung matutupad na si Wilbert dahil ito nga at box-office star na siya.
Bihirang-bihira na sa kasalukuyan ang sumisipa sa P100 million na kita sa takilya kaya malaking bagay ito sa WilBea loveteam.
May ilang pelikula na halos first day, last day na lang.
Minurahan pa ang ticket ng Viva, kaya legit ang pagiging box-office stars nila.
- Latest



















