^

Probinsiya

Rice trader natagpuang naaagnas, tadtad ng saksak!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rice trader natagpuang naaagnas, tadtad ng saksak!
Kinilala ang nasa­wing biktima na si John Edmon Tardio, isang negosyante ng bigas sa nasabing bayan.
File

Nakipag-inuman sa 2 kakumpetensya

MANILA, Philippines — Natagpuang naaag­nas na at tadtad ng mga saksak sa katawan ang isang 35-anyos na rice trader sa isang maisan matapos ang pagkawala nito, sa Brgy. Barahan, Sta Cruz, Occidental Mindoro nitong Biyernes ng umaga, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si John Edmon Tardio, isang negosyante ng bigas sa nasabing bayan.

Sa ulat ng Occidental Mindoro Provincial Police Office (PPO), dakong alas-9:39 ng umaga nang matag­puang patay ang biktima sa nasabing lugar.

Ayon kay P/Lt. Col. Xelacor Marie Garcia, spokesperson ng Occidental Mindoro PPO, ang biktima ay tadtad ng malalalim na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng marekober ang bangkay nito.

Dalawa namang Persons of Interest (POIs) na pawang kakumpetensyang rice trader ni Tardio ang kanilang sinisilip ng pulisya sa kasong ito kaugnay ng kanilang posibleng kinalaman sa krimen.

Ang biktima ay iniulat ng misis nito na nawawala sa mga awto­ridad noong Oktubre 28 matapos na mabigong makauwi ng kanilang tahanan.

Nabatid pa na huling­ nakitang buhay ang biktima na sakay ng kaniyang motorsiklo matapos umanong makipag-inuman sa dalawang POI.

Sinisilip din ang posibleng anggulo ng pagnanakaw sa krimen dahil may dala umanong P100,000 ang biktima na pambili ng palay nang araw na siya ay mawala.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with