^

Metro

LTFRB, nagpakalat ng 80 help desk sa mga terminal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Ngayong All Saints’ at All Souls’ Day!

MANILA, Philippines — Naglagay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 80 help desk sa mga bus terminal at iba pang pampublikong transportasyon hub sa buong bansa upang matulungan ang mga pasaherong bibiyahe ngayong Undas.

Ayon kay acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua Jr., nakatuon ang mga help desk sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga iskedyul ng biyahe at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasahero, partikular ng senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Inatasan ni Pua ang mga tauhang nakatalaga sa mga help desk na magbigay ng agarang tulong at tiyaking matutugunan ang mga reklamo ng publiko. Magsisilbi rin silang tagapagbantay upang matiyak na sumusunod ang mga operator ng terminal sa mga pamantayan para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga biyahero.

Samantala, inaprubahan na rin ng LTFRB ang 1,200 special permit para sa mga pampasaherong bus upang madagdagan ang mga sasakyang maaaring bumiyahe ngayong Undas. Hinikayat ni Pua ang mga pasahero na huwag mag-atubiling lumapit sa mga help desk para sa anumang reklamo o tulong na kailangan sa kanilang biyahe.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with