^

PM Sports

Ginebra, Rain or Shine lalapit sa semis berth

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iyan ang katanungang masasagot ngayon sa krusyal na Game Two ng PBA Season 50 Governors’ Cup quarterfinals tampok ang sagupaang Rain or Shine kontra Converge at San Miguel laban Barangay Ginebra sa Ni­noy Aquino Stadium sa Ma­late, Manila.

Unang sultada ng Beermen at Gin Kings sa alas-5:15 ng hapon bago ang dikdikan ng Elasto Painters at FiberXers sa alas-7:30 ng gabi para sa ika­lawang bakbakan ng best-of-five quarterfinal series.

Parehong may 1-0 kar­tada ang Ginebra at RoS kaya kung makakalusot ulit ngayon ay mamumuro na sa puwesto sa semifi­nals kontra sa kabilang bracket tampok ang NLEX-Phoenix at reigning champion TNT Tropang 5G-Magnolia.

Nilagok ng Gin Kings ang unang tagay kontra sa kapatid na Beermen matapos ang 104-95 tagumpay sa trangko nina import Jor­dan Murphy, Scottie Thompson, RJ Abarrientos at Isaac Go na may 29, 17, 16 at 14 puntos, ayon sa pag­kakasunod.

Nakataya sa Ginebra ang 2-0 kartada para sa isang hakbang na lang mula sa semifinals kontra sa mananalo sa TNT at Magnolia tampok ang 2-0 bentahe ng Tropang 5G.

Kabaliktaran ang ginawa ng Elasto Pain­ters na bumalikwas mula sa 21-puntos na pag­ka­katambak upang gim­balin ang FiberXers, 124-120.

Ibinuhos ni import Aaron Fuller ang 24 sa kanyang 33 puntos sa second half upang giyahan ang comeback win ng mga bataan ni coach Yeng Guiao.

Nag-aabang sa RoS o Converge sa semifinals ang No. 1 seed na NLEX o Phoenix tampok ang 2-0 bentahe ng Road Warriors.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with