^

Bansa

Pangulong Marcos sa paghina ng piso: ‘Huwag mag-panic’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa paghina ng piso: ‘Huwag mag-panic’
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on February 18, 2026 rally along Recto Avenue.
PPA Pool Photos by Yummie Dingding

MANILA, Philippines — Pinawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangamba ng publiko kaugnay ng patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar.

Sa isang ambush interview matapos ang kanyang pagbisita sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para sa paggunita ng 32nd National Correctional Consciousness Week, hinikayat ng Pangulo ang publiko na huwag mabahala sa sitwasyon.

“First of all, do not take it with alarm. Don’t panic,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng hakbang upang maprotektahan at mapatatag ang halaga ng piso laban sa dolyar.

Sinabi rin niya na may sapat na mga mekanismo at kagamitan ang gobyerno upang depensahan ang piso at mapigilan ang patuloy na paghina nito, matapos umabot sa panibagong rekord na mababang antas na P64.18 kada US$1, bahagyang mas mahina kaysa sa naunang rekord na P64.17 kada dolyar.

Iniuugnay ang paghina ng piso sa pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado bunga ng tensyon sa Middle East, gayundin sa patuloy na pagmahal ng langis at mga produktong petrolyo.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na patuloy na kikilos ang pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng piso at mabawasan ang epekto ng malakas na dolyar sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, nananatiling matatag ang dollar reserves ng Pilipinas na maa­aring gamitin ng pamahalaan upang makatulong sa pagdepensa sa halaga ng piso.

Tututukan din ng administrasyon ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkain upang mabawasan ang epekto nito sa mga mamamayan.

Ayon sa Pangulo, layunin ng mga hakbang na ito na mapanatili ang katatagan ng ekonomiya at maibsan ang pasanin ng mga pamilyang Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with