^

Probinsiya

Agawan sa pasahero: Trike driver todas sa kapwa driver!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Agawan sa pasahero: Trike driver todas sa kapwa driver!
Kinilala ng Silang Police ang biktima sa alyas “Elmo”, 47-anyos, residente ng Brgy. Acacia ng nasabing bayan habang tinutugis ng mga operatiba ang tumakas na suspek na si alyas “Toto”, isa ring tricycle driver at residente rin ng nasabing lugar.
File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang tricycle driver matapos pagsasaksakin ng kapwa driver dahil sa diumano’y agawan sa pasahero, sa Brgy. Anahaw 1, bayan ng Silang, dito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Silang Police ang biktima sa alyas “Elmo”, 47-anyos, residente ng Brgy. Acacia ng nasabing bayan habang tinutugis ng mga operatiba ang tumakas na suspek na si alyas “Toto”, isa ring tricycle driver at residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi sa terminal ng mga tricycle sa lugar.

Nag-ugat ang krimen matapos diumanong lapitan ng biktima ang suspek at kinompronta hinggil sa inagawan umano ng suspek ang pamangkin nito na isa ring tricycle driver ng pasahero. Dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na agad namang naawat ng mga kapwa driver sa lugar.

Umalis na ang biktima matapos ang pagtatalo subalit lingid sa kaalaman nito, sinundan siya ng suspek at dito na inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Duguang bmagsak ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with