Romualdez, hindi kabilang sa nagpanukala ng flood control projects — saksi

MANILA, Philippines — Hindi kabilang si dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga nagpanukala ng flood control projects sa Bulacan na umano’y pinagmulan ng kickback na naihatid kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, ayon sa saksi ng prosekusyon sa Sandiganbayan nitong Martes.
Ito ang testimonya ni Engineer Carlo Rivera ng DPWH Bulacan First District Engineering Office sa pagdinig sa petisyon ni Romualdez para sa piyansa sa kasong plunder. Kinumpirma ni Rivera na wala sa listahan ng mga nagpanukala ng proyekto ang dating Speaker.
Ayon kay Rivera, nangolekta siya ng bilyun-bilyong pisong commitment fees o kickback mula sa mga kontratista at ipinasa ang mga ito kay dating district engineer Henry Alcantara. Kalaunan, naipadala umano ang pera kay Co, na namahagi nito sa mga nagpanukala ng proyekto, kabilang ang sarili at ilang opisyal ng pamahalaan.
Sinabi ni Rivera na si Alcantara ang nag-utos sa kanya na mangolekta ng bayad, habang si Co umano ang direktang nakikipag-ugnayan sa mga kontratista. Kabilang sa mga kumpanyang binanggit niya ang Topnotch Catalyst Builders, ARL Builders, Wawao Builders, IM Construction Corp. at SYMS Construction Trading.
- Latest


















