^

Police Metro

2 sakay ng motorsiklo tepok sa salpok

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang  sakay ng motorsiklo matapos na sila ay sumalpok sa kasalubong na SUV habang bumabagtas sa kahabaan ng Antero Soriano Highway Brgy. Lambingan, Tanza, Cavite, nitong Linggo ng madaling araw.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina alyas “Errol,” 37, driver ng motor na at angkas nitong babae na kinilala sa alyas “Rose.”

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente ay mabilis umanong binabagtas ng mga biktima ang lugar nang sumalpok sa SUV na minamaneho ng suspek na si alyas “Alejandro” na patungo sa  direksyon sa Tanza proper.

Sa lakas ng salpukan, kapwa wasak ang mga sasakyan at tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo at agad dinala sa Tanza Family Ge­neral Hospital, subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng SUV na kinasuhan ng reckless imprudence resulting in 2 counts of homicide and damage to property.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with